Martes, Setyembre 6, 2016

MGA PINUNO

APOLINARIO MABINI
  • Si Apolinario y Mabini Maranan (Hulyo 23, 1864 – Mayo 13, 1903) ay ang pangalawa sa walong anak ng kapwang magsasaka na sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan sa baryo Talaga, Tanauan, Batangas. Siya ay kilala bilang “Dakilang Paralitiko” at “Utak ng Rebolusyon”
  • Bata pa lamang nang siya ay nakitaan na ng katalinuhan at hilig sa pag-aaral. Noong 1881 sa Maynila, nabigyan siya ng pagkakataon na makapasok sa San Juan de Letran kahit na hirap sa buhay. Matagumpay niyang natapos ang Batsiler sa Sining noong 1887 at nag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888 hanggang 1894.
  • Ang pagmamahal sa bansa ang dahilan kaya isa siya sa mga bumuhay muli ng “La Liga Filipina” na sumusuporta sa kilusang pang-reporma. Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng matinding sakit na nagdulot sa kanya na maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng mga gwardiya sibil noong Oktubre 10, 1896 dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga repormista. Sumailalim siya sa house arrest sa ospital ng San Juan de Dios at nang kinalaunan ay pinalaya rin dahil sa kanyang kondisyon.
  • Isang buwan matapos pumasok sa Pilipinas ang mga Amerikano, noong Hunyo 1898, sinimulan ni Mabini na tulungan si Emilio Aguinaldo na palawakin at patatagin ang himagsikan bilang Unang Ministro ng Kongreso sa Malolos. Bilang Kalihim Panlabas, nakipag-ugnay siya sa dumadanak na hukbo ng Amerika upang iwasan sana ang digmaan. Tinanggal ni Auginaldo si Mabini sa puwesto noong Mayo 1989, tatlong buwan pagkasabog ng digmaan laban sa Estados Unidos.
  • Isa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay ang Programa Constitucional de la Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang iminungkahi para sa Republika ng Pilipinas. Ang introduksyon sa balangkas ng konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo, na isinulat upang gisingin ang makabayang diwa ng mga Pilipino.
  • Nang sumiklab ang giyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga Amerikano sa Cuyapo noong Disyembre 10, 1898. Nanatili siyang bilanggo hanggang Setyembre 23, 1900. Nanirahan siya sa isang maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na pahayagan. Ang artikulo niyang El Simil de Alejandro ay nagdulot sa kanyang muling pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga Pilipino. Habang nasa Guam, naisulat niya ang La Revolucion Filipina.

MELCHORA AQUINO
  • Si Melchora Aquino na mas tanyag sa palayaw na “Tandang Sora” at isa sa pinaka dakilang bayani sa kasaysayan ng Pilipas. Siya ay isinilang noong Enero 6, 1812 sa Banilad, Caloocan at ang kaniyang mga magulang ay sina Juan Aquino at Valentina de Aquino. Siya ay lubos na hinahangaan at nagsilibing malaking inspirasyon sa mga katipunero. 
  • Siya ay hindi nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral subalit siya ay biniyayaan ng busilak na kalooban. Siya rin ay relihiyoso at mahusay makisalamuha sa kapwa- mahirap man o mayaman. Kung ano ang kagandahang loob na kaniyang taglay ay siya ring biniyayaan ng kariktan sa panlabas na kaanyuan. Kaya naman siya ay parating hinihirang bilang Reyna Elena sa tuwing may Santacrusan sa kanilang lugar. 
  • Ang angking kagandahan ni Melchora Aquino ang naging dahilan kung bakit nagkaroon siya ng napakaraming manliligaw, at isa sa mga ito ang kaniyang naging kabiyak na si Fulgencio Ramos. Nagkaroon sila ng anim na anak na nagngangalang Juan, Simon, Estefania, Saturnino, Romualdo, at Juana. Si Fulgencio ay isang cabesa de barangay at sa kasamaang palad ay pumanaw siya noong pitong taong gulang pa lamang ang kanyang bunsong anak. Pinalaki mag-isa ni Tandang Sora ang kanyang anim na anak at siya rin ay nakaranas ng kaunting hirap sa pagtataguyod sa kanila.
  • Ang linyang “Bata ka man o matanda, makatutulong ka rin sa iyong kapwa.” ay kaniyang paniniwala na sa edad na 84 ay buong puso siyang sumaklolo at naging inspirasyon ng mga Katipunero. Bagama’t matanda na siya noon ng sumiklab ang himagsikan laban sa mga Español noong 1896, hindi ito naging hadlang upang siya ay makatulong. Dahil dito, tinagurian siyang Ina ng Katipunan.
  • Si Tandang Sora ay mayroong binabantayan na maliit na tindahan noong idineklara ni Andres Bonfacio ang unang sigaw ng balintawak na kung saan nagsimula ang rebolusyon ng Pilipinas. Kapag nauubusan ang pagkain ang mga Katipunero ay nagpapadala siya ng sako-sakong bigas at tatlong kalabaw upang sila’y matulungan. Ginamot at kinupkop niya ang mga katipunerong nasugatan sa digmaan kahit buhay pa niya ang nakasalalay dito.
  • Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay napag-alaman ito ng mg Kastila at siya ay ipinadakip. Sa sobrang galit ng mga Kastila, ipinatapon siya sa Isla ng Marianas sakay ng bapor na Compania Maritima. Nang masakop ng mga Amerikano ang Pilipinas noong 1898, si Tandang Sora, kasama ang iba pang ipinatapon ay nakauwi ng Pilipinas sakay ng S.S. Uranus.


MIGUEL MALVAR
  • Si Miguel Malvar y Carpio (Setyembre 27, 1865 – Oktubre 13, 1911) ay isinilang sa Santo Tomas Batangas nina Tiburcia Carpio at Maximo Malvar. Siya ay nagsimulang mag-aral sa Batangas bago sa Padre Valerio sa Malabanan, Tanawan. 
  • Nakilala at napangasawa ni Miguel si Paula Maloles at naisipan mag-alaga ng manok at baboy bilang negosyo sa kanyang lupa malapit sa Bundok ng Makiling. Nang dahil sa negosyo, nakilala niya si Carlos Palanca na tumulong sa kanya kung paano umasenso sa industriya ng asukal. Nakilala siya sa lpinunan at naging gobernadorcillo.
  • Siya ang naging lider ng kilusan laban sa mga Kastila sa Batangas. Tinanggap niya ang mga responsibilidad bilang isang kapitan ng munisipyo kahit madami ang nagsasabi na wala siyang kapasidad na tumakbo bilang heneral.
  • Noong Abril 1902, madami sa tauhan ni Malvar ang lumipat ng panig at nagging boluntaryo sa puwersa ng mga Amerikano. Lalong tumindi ang kaguluhan sa makabilang panig, Si Malvar, mga anak at ang kanyang maybahay na may sakit noong mga panahon na iyon ay sumuko kay Heneral Franklin Bell noong ika-12 ng Abril sa taong 1902. Noong katapusan ng Abril ay sumuko na rin ang mga Batangueño sa laban ng mga Amerikano at ang digmaan ay nagwakas.
  • Si Miguel Malvar ay nag-retiro sa pagiging gobernador at ipinagpatuloy ang kanyang tahimik na buhay sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop sa kanyang lupain. Namatay siya noong Oktubre 13, 1911 sa edad na 46 dahil sa komplikasyon sa atay. Bilang magiting na heneral, isang libing na may parangal militar ang inihandog sa kanya. Lahat ng kanyang pakikipaglaban sa Batangas ay naging matagumpay kaya naman siya ay kinikilala sa buong mundo.

GABRIELA SILANG
  • Maria Josefa Gabriela Cari-o Silang o mas kilala sa bilang Gabriela Silang ay isinilang noong Marso 19, 1731 sa kapatagan ng Sta Caniogan, Ilocos Sur. SIya ay nakilala sa kasaysayan ng Pilipinas dahil sa kaniyang ipinairal na katapangan .
  • Noong 1757, nakapag-asawa siyang muli at sa pagkakataong ito, sa isang binatilyong lider ng rebeldeng grupo naman na may edad na 27. Dumating sa kaniyang buhay ang isang mabait, makisig, at makabayang lalaki na si Diego Silang.  
  • Naging kasa-kasama ni Diego si Gabriela sa mga gawain nilang patungkol sa himagsikan. Kusang-loob siyang sumali sa kilusang isinasagawa ng kaniyang asawa na isa sa mga masidhing layunin nito ay palayain ang kanilang bayan mula sa Kastila. Ngunit sa kasamaang-palad, isa sa mga kaibigan na tinuring ni Diego na isang mestizo na Kastila na si Miguel Varcos ang nagtaksil sa kanya at pinaslang siya. Sa kadahilanang ito, mas lalong isinulong ni Gabriela ang pakikipagtunggali sa mga Kastila. Pinangunahan niya ang mga Pilipinong rebelde na iniwan ng kaniyang asawa para sa pakikipaglaban sa pagnanais na matamo ang hustisya at kalayaan. Ipinagpatuloy nila ang pag-hihimagsik sa Ilocos at sinalakay ang ilang garison upang makaipon ng sandata.
  • Noong Setyembre 10, 1763, nagtangka ang pangkat ni Gabriela na lusubin ang Vigan. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay napaghandaan ng mga kastila ang kanilang pagdating. Ang panig ng mga Kastila ay umabot halos 6000 katao samantalang 2000 lamang ang mga tauhan ni Gabriela kung saan maraming kasapi nito ang nagapi. Siya ay naiwanan lamang ng 8 tauhan.
  • Ilang araw matapos ang sagupaan sa mga Kastila, noong ika-29 ng Setyembre 1763 ay nadakip si Gabriela Silang kabilang ang walong tapat niyang tauhan. Siya ang kanuna-unahang babae na namahala ng rebolusyon sa Pilipinas. Sa katapangan at kadakilaang kaniyang ipinamalas ay habang buhay itong nakatatak sa puso’t isipan ng bawat Pilipino at hindi kailanman mabubura sa kasaysayan ng Pilipinas.

MANUEL QUEZON

  • Si Manuel Luis Quezon y Molina o mas kilala bilang Manuel L. Quezon ang ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at ang unang Pangulo ng Komonwelt mula Nobyembre 15, 1935 hanggang Agosto 1, 1944. Ipinanganak siya noong Agosto 19, 1878 sa Aurora, Baler at namatay noong Agosto 1, 1944 sa Saranac Lake, New York dahil sa tuberkulosis. Ang mga magulang niya ay sina Maria Dolores Molina at Lucio Quezon na kapwa mga guro.
  • Noong 1893, nagtapos siya ng pag-aaral sa Colegio de San Juan de Letran. Nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Bilang katulong ni Emilio Aguinaldo, nakipaglaban din siya kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. 
  • Noong 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Manuel L. Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito, naipasa ang Batas Jones (Jones Act) at dahil dito, nang bumalik siya sa Pilipinas ay itinuring siya na bayani. 
  • Noong 1935, nanalo siya bilang pangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt. Sa kanya ipinangalan ang lungsod ng Quezon at ang lalawigan ng Quezon. Higit sa lahat, siya ay tinawag bilang “Ama ng Wikang Pambansa”.
SERGIO OSMEÑA SR.
  • Si Sergio Osmeña y Suico o “Serging” na pinanganak noong Setyembre 9, 1878 sa Cebu at namatay noong Oktubre 19, 1961. Siya ay higit na kilala ngayon bilang Sergio Osmeña, Sr. at ang ikaapat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Agosto 1, 1944 – Mayo 28, 1946) at ikalawang pangulo ng Komonwelt sa Pilipinas. Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina Senador Sergio Osmeña III, John Osmeña, dating Gobernador Lito Osmeña ng Cebu at Mayor Tomas Osmeña. 
  • Si Osmeña ay nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan at nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya si Manuel L. Quezon. 
  • Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmeña. Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa lugar. Noong 1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia. Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan ay muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang ang kanilang natapos. Si Osmeña ay pinagkalooban ng angking talino at pumangalawa sa naturang eksamen sa bar.

EMILIO AGUNIALDO
  • Si Emilio Aguinaldo y Famy o mas kilala bilang Emilio Aguinaldo ay ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula Enero 20, 1899 hanggang Abril 1, 1901. Siya ay isang Pilipinong heneral, politiko, at pinuno ng kalayaan. Isa rin siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Ipinanganak siya noong Marso 22, 1869 sa Kawit, Cavite at namatay noong Pebrero 6, 1964 sa lungsod ng Quezon dahil sa sakit sa puso. 
  • Ang kanyang ina ay si Trinidad Famy y Valero at ang kanyang ama ay si Carlos Aguinaldo y Jamir na isang gobernadorcillo. Nagkaroon sila ng yaman at kapangyarihan dahil may lahi ang kanyang ama na Tsino, Tagalog, at Mestizo.
  • Nag-aral si Emilio Aguinaldo ng elementarya sa paaralang elementarya ng Kawit at ng sekundarya sa Colegio de San Juan de Letran ngunit tumigil siya para tulungan ang kanyang nanay na patakbuhin ang kanilang bukid. 
  • Naging cabeza de barangay sa Binakayan noong siya ay 28 taong gulang. 8 taon niyang hinawakan ang posisyon na ito. Siya ang pinakaunang taga-Kawit na tinawag na capitan municipal o gobernadorcillo. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espansya noong 1896.
  • Ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang Pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon, nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946.

MANUEL ROXAS
  • Si Manuel Acuña Roxas pinanganak noong Enero 1, 1892 at namatay noong Abril 15, 1948 ay isang politiko sa Pilipinas. Siya ay ang ikalimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Mayo 28, 1946–Abril 15, 1948). Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mga magulang.
  • Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1912 at naging topnatcher sa Bar. Nag-umpisa siya sa politika bilang piskal panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi (1938-1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas.

EMILIO JACINTO
  • Si Emilio Jacinto y Dizon (Disyembre 15, 1875 — Abril 16, 1899) ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at kilala bilang “Utak ng Katipunan”.
  • Ipinanganak si Emilio Jacinto sa Tondo, Maynila at ang mga magulang niya ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran, at lumaon ay lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas upang mag-aral ng abogasya. 
  • Naging kamag-aral niya rito sina Manuel Quezon at Sergio Osmeña. Hindi siya nakapagtapos sa kolehiyo, at sa gulang na 17, si Emilio Jacinto ang pinakabata sa lihim na samahan na tinawag na Katipunan. Naging tagapayo siya sa mga usaping pampiskalya at kalihim ni Andres Bonifacio. Lumaon ay nakilala siya bilang Utak ng Katipunan. 
  • Inatasan siya ni Bonifacio na mamuno sa Laguna. Siya ay nakasulat ng mga akda tulad ng A Mi Patria at ang Kartilya ng Katipunan. Siya rin ay isa sa mga sumulat ng pahayagan ng Katipunan na tinatawag na Kalayaan. Sumulat siya sa pangalang "Dimasilaw" at ginamit ang alyas na "Pingkian" sa Katipunan.

EFREN PEÑAFLORIDA JR.
  • Si Efren Geronimo Peñaflorida, Jr. (ipinanganak noong 5 Marso 1981) ay isang guro at panlipunang manggagawa sa Pilipinas. Siya ang nagtatag at tagapamuno ng Dynamic Teen Company, na naghahandog sa mga kabataang Pilipino ng alternatibo sa mga palaboy sa kalye sa pamamagitan ng edukasyon, sa paglalapit ng paaralan sa mga hindi kinakaugaliang lugar tulad ng sementeryo at mga tambakan ng basura.
  • Noong Marso 2009, itinampok si Peñaflorida sa Bayani ng CNN bilang bahagi ng programa ng network sa pagpaparangal sa mga indibidwal na may kahanga-hangang kontribusyon sa pagtulong sa iba. Noong Nobyembre 22, hinirang siyang bayani ng taon ng CNN para sa taong 2009.
  • Nagtapos si Peñaflorida ng elementarya at sekondarya sa tulong ng iskolarship at tulong pinansiyal, at nagkamit siya ng ilang mga parangal at gawad sa klase. Taong 2000, nagtapos siya sa San Sebastian College - Recoletos na may degree sa Teknolohiyang Pangkompyuter na may mataas na karangalan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ikalawang kurso sa Cavite State University, kung saan nagtapos siya bilang cum laude noong 2006 sa kursong Mataas na Edukasyon.





Isinulat at Inihanda nina:
Asuncion, Trixia Nicole Q.
Dayag, Vivecione Nikki P.
Machida, Ayaka P.
Midel, Athena May V.
Pornobi, Dan Andrew L.

Mga Reperensiya:
  1. Talambuhay ni Apolinario Mabini. (n.d.). Retrieved September 5, 2016, from http://bayaningfilipino.blogspot.com/2009/09/talambuhay-ni-apolinario-mabini.html
  2. Araling Pinoy: APOLINARIO MABINI. (2009, April 23). Retrieved September 5, 2016, from http://aralingpinoy.blogspot.com/2009/04/apolinario-mabini.html
  3. Talambuhay ni Apolinario Mabini. (n.d.). Retrieved September 5, 2016, from http://www.pinoyedition.com/talambuhay-ng-mga-bayani/apolinario-mabini/
  4. Philippine History -- The Mother of the Katipunan: Melchora Aquino. (n.d.). Retrieved September 7, 2016, from http://www.msc.edu.ph/centennial/sora.html
  5. Ijapon, B. L. (2012). Talambuhay ni Melchora Aquino-Ramos (1812-1919). Retrieved September 7, 2016, from https://lorenijapon06.wordpress.com/2012/10/12/talambuhay-ni-melchora-aquino-ramos-1812-1919/
  6. Mga Bayani Ng PINAS - Melchora Aquino. (n.d.). Retrieved September 7, 2016, from http://www.elaput.com/tndnsora.htm
  7. Talambuhay ni Miguel Malvar. (n.d.). Retrieved September 5, 2016, from http://www.pinoyedition.com/talambuhay-ng-mga-bayani/miguel-malvar/
  8. Batanguena Ako! (2010, February 25). Retrieved September 5, 2016, from http://alaehbatanguenaako.blogspot.com/2010/02/miguel-c-malvar.html
  9. Maria Josefa Gabriela Silang. (n.d.). Retrieved September 7, 2016, from https://www.scribd.com/doc/84420200/Maria-Josefa-Gabriela-Silang
  10. Gabriela Silang. (n.d.). Retrieved September 7, 2016, from http://www.seasite.niu.edu/tagalog/new_intermediate_tagalog/reading_lessons/LESSONS/gabriela_silang.html
  11. Pinoy Edition. (n.d.). Retrieved September 7, 2016, from http://www.pinoyedition.com/talambuhay-ng-mga-bayani/gabriela-silan
  12. T. (n.d.). Manuel Quezon | president of Philippines | Britannica.com. Retrieved September 7, 2016, from https://www.britannica.com/biography/Manuel-Quezon
  13. Talambuhay ng mga Pangulo ng Pilipinas (2013, June 18) Retrieved September 7, 2016 from http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/talambuhay-ng-mga-pangulo-ng-pilipinas.html
  14. B. (n.d.). Emilio Aguinaldo Biography. Retrieved September 7, 2016, from http://www.biography.com/people/emilio-aguinaldo-9177563
  15. Talambuhay ni Emilio Jacinto - Bayani - Pinoy Edition. (n.d.). Retrieved September 7, 2016, from http://www.pinoyedition.com/talambuhay-ng-mga-bayani/emilio-jacinto/
  16. Cabildo, J. I. (n.d.). Ang Talambuhay ni Efren Peñaflorida. Retrieved September 7, 2016, from https://www.scribd.com/doc/152074408/Ang-Talambuhay-ni-Efren-Penaflorida

1 komento:

  1. Making Money - Work/Tennis: The Ultimate Guide
    The หารายได้เสริม way you would expect from betting on the tennis www.jtmhub.com matches of tennis https://sol.edu.kg/ is to 1xbet 먹튀 bet on the player you like most. https://deccasino.com/review/merit-casino/ But you also need a different

    TumugonBurahin